Paggamit sa First Run Setup
Maaari mong baguhin ang settings ng sistema para sa bawat drayber kung maraming tao ang gumagamit sa sasakyan.
Sa First Run Setup, iibahin mo ang mga bilang na ipapakita sa screen bilang pangalan ng user, wika, at makikitang mapa.
- Kapag lumabas ang mensahe para sa kaligtasan, basahin ito, piliin ang larawan ng drayber, at pindutin ang Kumpirmahin.
|
- Kung mag-log in ka bilang guest, hindi mo puwedeng ibahin ang settings ng profile. Para magtakda ng ibang profile, pumili ng ibang user.
- Maaari kang magrehistro ng hanggang 2 user.
- Kapag lumabasang First Run Setup na screen, pindutin ang Simulan.
- Para gamitin ang mga default setting nang hindi iniiba ang kapaligiran, pindutin ang Laktawan.
|
- Itakda ang wika para ipakita sa screen at pindutin ang Susunod.
|
- Itakda ang uri ng keyboard na gagamitin para sa pag-type at pindutin ang Susunod.
|
- Para itakda ang pangalan ng drayber, pindutin ang Palitan ng pangalan.
Lababas ang screen para palitan ang pangalan.
- Para pumunta sa First Run Setup nang hindi pinapalitan ang pangalan ng drayber, pindutin ang Susunod.
|
- Kapag lumabas ang First Run Setup na screen, pindutin ang OK.
Pinapakita ang Home screen.
|
- Para itakda ang detalyadong impormasyon ng user at kapaligiran ng operasyo, pindutin ang settings ng profile .