Mga Pag-iingat para sa Kaligtasan
|
|
Ang lightning flash na may simbolo ng ulo ng arrow sa loob ng tatsulok ay nakalaan para alertuhin ang user tungkol sa pagkakaroon ng uninsulated na delikadong boltahe sa loob ng pagkakulong ng produkto na maaaring sapat na magnitude para maging dahilan ng electric shock.
|
Ang tandang padamdam sa loob ng tatsulok ay para alertuhin ang user sa pagkakaroon ng mahalagang panuto sa operasyon at maintenance (pagserbisyo) sa babasahin na kasama ng appliance.
|
Laging gamitin ang sasakyan sa ligtas na paraan. Huwag magambala sa mga sasakyan habang nagmamaneho at laging maging maalam sa lahat ng kondisyon habang nagmamaneho. Huwag palitan ang settings o anumang function. Itabi sa gilid nang ligtas at legal na paraan bago subukang magpalit ng kahit ano.
Para sa kaligtasan, ang ilang mga fucntion ay hindi gumagana maliban kung gumagana ang parking brake.
|
Para bawasan ang panganib ng electric shock, huwag tanggalin ang takip o likod ng produktong ito. Walang user-serviceable na mga bahagi sa loob. Dalhin ang pagserbisyo sa mga kwalipikadong kinatawan ng pagserbisyo.
|
Para bawasan ang panganib ng sunog o electric shock, huwag i-expose ang produktong ito sa tulo a tilamsik ng tubig, ulan, o mositure.
|
Kung minamaneho mo ang sasakyan, siguruhing panatilihing mahina ang volume nang sapat para marinig mo ang mga tunog mula sa labas.
|
Huwag ibagsak ito at iwasang maibangga o madaganan ito ano mang oras.
|
Hindi dapat nanunuod sa monitor ang drayber habang nagmamaneho. Kung nanunuod sa monitor ang draybee habang nagmamaneho, maaaring maging dahilan ito ng hindi pag-iingay at maging dahilan ng aksidente.
BABALA:
- Huwag gamitin ang mobile phone kung nagmamaneho. Tumigil sa ligtas na lugar para gamitin ang mobile phone mo.
- Huwag mong i-disassemble, i-assemble, o ibahin ang sistema ng AVN. Ang paggawa nito ay maaaring magresulta sa mga aksidente, sunog o electric shock.
- Ang paggamit sa mga feature ng phone habang nagmamaneho ay maaaring gumambala sa mga drayber sa kanilang atensyon sa mga kondisyon ng trapiko at magresulta sa mga aksidente sa kalsada. Gamitin lang ang mga feature pagkatapos naiparada ang sasakyan.
- Sundin ang pag-iingat na babala para hindi matapunan ng tubig o malagyan ng hindi kilalang mga bagay sa device. Ang paggawa nito ay maaaring maging sanhi ng pag-usok, sunog, o pagkasira ng produkto.
- Mangyaring iwasan ang paggamit kung blanko ang screen o walang tunog na maririnig dahil maaaring indikasyon ito ng pagkasira ng produkto. Ang patuloy na paggamit sa ganoong kondisyon ay maaaring maging sanhi ng aksidente (sunog, electric shock) o pagkasira ng produkto.
- Huwag hawakan ang antenna kung may kulog o kidlat dahil ito ay maaaring maging sanhi ng electric shock dahil sa kidlat.
- Huwag tumigil o pumarada sa mga ipinagbabawal na paradahan para gamitin ang produkto. Ito ay maaaring maging sanhi ng aksidente sa kalsada.
- Hindi gagana ang screen ng video kung umaaandar ang sasakyan. Para sa iyong kaligtasan, iparada muna ang sasakyan para manuod o tingnan ang screen.
- Hindi gagana ang ilang feature na non-video kung umaaandar ang sasakyan. Gagana lang ang mga feature na ito kung nakaparada ang sasakyan.
Ang operasyon ay depende sa mga sumusunod na dalawang kondisyon:
(1) Ang device ay hindi puwedeng maging sanhi ng delikadong interferemce, at
(2) ang device ay dapat tumanggap ng ano mang interference, kabilang ang mga interference na maaaring maging sanhi ng hindi kanais-nais na operasyon.
MAG-INGAT:
- Huwag panatilihing gumagana ang sistema ng AVN kung hindi umaandar ang makina. Ito ay maaaring umubos sa baterya ng sasakyan. Kung gagamitin mo ang sistema ng AVN, panatilihing umaandar ang makina.
- Kung nais ng drayber na paganahin ang sistema ng AVN, iparada muna ang sasakyan sa ligtas na lugar at itakda ang preno ng pagparada. Ang paggamit sa sistema habang nagmamaneho ay maaaring gumambala sa drayber at maaaring magresulta sa aksidente.
- Huwag basta i-disassemble o ibahin ang sistemang ito. Kapag ginawa mo ito, maaaring magresulta sa mga aksidente, sunog o electric shock.
- Ang ilang mga estado/probinsiya ay baka mayroong mga batas na naglilimita sa paggamit ng mga video screen habang nagmamaneho. Gamitin lamang ang sistema kung saan legal na gawin ito.
- Huwag gamitin ang phone mo sa privacy mode kung nagmamaneho ka. Kailangan mong tumigil sa ligtas na lugar para gamitin ito.