Pagbabago sa setting ng display
Maaari mong palitan ang settings ng sistema ng display gaya ng liwanag nito.
- Sa screen ng Lahat ng Menu, pindutin ang SETUP > Ipakita.
Lalabas ang settings ng screen ng Display.
- Baguhin ang mga kailangang settings.
-
Pindutin ang
> Paghahanapsa setting o pindutin ang
at ilagay ang keyword para maghanap ng setting ng item. - Kung pipindutin mo ang I-off ang Display sa taas ng screen, magsasara ang screen. Para muling buksan ang screen, pindutin ang screen o bahagyang pindutin ang power button.
Liwanag
Maaari mong itakda ang liwanag ng sistema ayon sa kondisyon ng liwanag sa paligid para manatiling maliwanag o madilim. Maaari mo ring itakda para awtomatikong mabago ang liwanag ng display ayon sa pagpapailaw sa cluster.
|
|
- Maaaring iba-iba ang screen ayon sa modelo ng sasakyan at ispesipikasyon.
- Auto-illumination: Awtomatikong nababago ang liwanag ng display batay sa paligid.
- Liwanag ng araw: Ang liwanag ng display ay nababago para siguruhing ang mga item ay mas madaling makita kung maliwanag ang paligid.
- Gabi: Nababago ang liwanag para maiwasang masilap kung madilim ang paligid.
Liwanag
- Liwanag ng araw: Maaaring itakda ang liwanag ng display kung napili ang Liwanag ng araw sa Mode. I-uncheck ang Link sa Kontrol ng Pagpapailaw sa Cluster at itakda ang nais na antas ng liwanag.
- Gabi: Maaaring itakda ang liwanag ng display kung napili ang Gabi sa Mode. I-uncheck ang Link sa Kontrol ng Pagpapailaw sa Cluster at itakda ang nais na antas ng liwanag.
- Para i-reset ang liwanag ng screen sa default, pindutin ang Default.
Bughaw na ilaw na filter
I-enable ang bughaw na ilaw na pag-filter para baguhin ang ilaw ng screen at bawasan ang pagod sa mata.
|
|
- Maaaring iba-iba ang screen ayon sa modelo ng sasakyan at ispesipikasyon.
Gamitin ang bughaw na ilaw na filter
I-enable o i-disable ang bughaw na ilaw na filter.
Settings ng bughaw na ilaw na filter
Itakda para paganahin ang bughaw na ilaw na pag-filter nang awtomatiko batay sa ilaw sa paligid o manwal na piliin ang oras.
- Awtomatiko: I-enable ang bughaw na ilaw na pag-filter batay sa ilaw sa paligid.
- Nakatakdang oras: I-enable ang bughaw na ilaw na pag-filter sa itinakdang oras.
Baguhin ang Kulay
Maaari mong palitan ang settings ng display sa oras ng pag-playback.
|
|
- Ang function ay pinapagana lang kung may pinapalabas na video.
- Para simulan ang setting ng display, pindutin ang Sentro.
Ratio
Maaari mong itakda ang sistema para ipakita ang video sa orihinal nitong aspeto o sa buong screen.
|
|
- Ang function ay pinapagana lang kung may pinapalabas na video.
Screensaver
Maaari mong piliin ang mga item na ipapakita sa screen saver sa standby na mode.
|
|
Analog na orasan
Pinapakita ang analog na orasan sa screen saver ng sistema.
Digital na orasan
Pinapakita ang digital na orasan sa screen saver ng sistema.
Wala
Walang pinapakita sa screen saver ng sistema.
Home screen (kung mayroon)
Maaari mong ibahin ang ayos ng mga icon na nakikita sa All screen.
|
|
I-edit ang mga icon sa Home
Maaari mong i-edit ang ayos ng mga icon sa home.
Hatiin ang screen (kung mayroon)
Maaari mong tukuyin ang mga item na ipapakita sa Hatiin ang Screen.
|
|
- Maaaring iba-iba ang screen ayon sa modelo ng sasakyan at ispesipikasyon.
- Ito ay puwede lang kung sinusuportahan ng display ang Hatiin ang Screen.
-
Sa listahan ng screen, pindutin ang
sa kanan at dalhin ang item sa nais na posisyon.
Mga abiso ng nabagong media (kung mayroon)
Maaari mong itakda ang impormasyon sa taas ng screen habbang pinapatugtog mo ang susunod na item kung lumilipat ka mula sa screen ng media player papunta sa iba.
|
|
Pahabain ang paggamit sa camera sa likuran (kung mayroon)
Maaari mong itakda para ipakita ang makikita sa likurang kamera kahit na papalitan mo ang posisyon maliban sa "R" (Reverse) pagkatapos mag-reverse.
|
|
- Kung lilipat ka sa "P" (Park) o magmamaneho ka sa nakatakdang tulin o mas mabilis, mawawala ang pinapakita sa likuran para ipakita ang dating screen.
Default
Ang menu na ito ay ginagamit para i-reset lahat ng setting ng display.
Pindutin ang SETUP > Ipakita > Default > Oo.