Phone

Pagkonekta sa Bluetooth device

Ang Bluetooth ay para sa malalapit na teknolohiya ng wireless networking. Ang pang-komunikasyong function ng Bluetooth ay hahayaan kang makipagpalitan ng data sa pamamagitang ng pagkonekta sa Bluetooth device ibang kalapit na Bluetooth device nang walang koneksiyon gamit ang kable. Sa function na ito, mas marami kang magagamit na magkakaibang mga device nang mas mainam.

Para tumawag o magpatugtog ng audio mula sa Bluetooth device, tingnan muna ang mga sumusunod.

M-warning.png Babala

  • Ang pagmamaneho habang tuliro ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan na maaaring maging dahilan ng aksidente, malalang sakuna, o kamatayan. Ang pangunahing responsibilidad ng drayber ay ang ligtas at legal na operasyon ng sasakyan, at ang paggamit sa ano mang sistema ng sasakyan, kabilang ang touch screen at kontrol ng manibela, na magtatanggal sa paningin ng drayber, atensyon, at pokus malayo sa ligtas na operasyon ng sasakyan, o ng mga hindi pinayagan ng batas, ay hindi dapat magamit habang ginagamit ang sasakyan.
  • Iparada ang sasakyan sa ligtas na lugar bago ikonekta ang Bluetooth device sa sistema. Maaaring malipat ang atensyon ng drayber mula sa sasakyan at maging dahilan ng aksidente sa kalsada na maaaring magresulta sa mga pagkasria, sakuna, at/o kamatayan.

Pagrehistro ng device

Para ikonekta ang Bluetooth na device sa sistema, idagdag muna ang device sa listahan ng mga Bluetooth device sa sistema.

  1. Sa screen ng Lahat ng Menu, Pindutin ang SETUP > Mga koneksiyon ng device > Mga koneksiyon ng device > Magdagdag ng bago.
  1. Buksan ang Bluetooth sa Bluetooth device para ikonekta at piliin ang sistema ng sasakyan sa listahan ng mga nahanap na device.

230516_Phone_01.png

  1. Tingnan na ang code ng awtentikasyon sa screen ng Bluetooth device ay tugma sa isa sa screen ng sistema at aprubahan ang koneksiyon sa device.
  2. Kung ginagamit ng smartphone mo ang Bluetooth na komunikasyon, para i-download ang mga kontak mula sa phone papunta sa sistema o gamitin ang abiso ng text message para payagan ito sa phone mo.

Pagkonekta sa rehistradong device

Para gamitin ang Bluetooth device, ikonekta muna ang rehistradong Bluetooth device sa sistema.

  1. Sa screen ng Lahat ng Menu, Pindutin ang SETUP > Mga koneksiyon ng device > Mga koneksiyon ng device.
  2. Pindutin ang mga icon na ikokonekta.

1373.png

Screen ng Bluetooth na koneksiyon

1397.png

1 Babalik sa dating hakbang.

2 Maghanap ng item ng setting sa pamamagitan ng paglagay ng keyword.

3 Piliin ang hands-free o Bluetooth audio para ikonekta o idiskonekta ang mga Bluetooth device.

4 Magdagdag ng bagong device sa sistema.

5 Mag-delete ng rehistradong device mula sa sistema.

6 Lalabas ang listahan ng mga item sa menu.

Idiskonekta ang rehistradong device

  1. Sa screen ng Lahat ng Menu, Pindutin ang SETUP > Mga koneksiyon ng device > Mga koneksiyon ng device.
  2. Pindutin ang konektadong mga icon.

Pagbura sa rehistradong device

  1. Sa screen ng Lahat ng Menu, Pindutin ang SETUP > Mga koneksiyon ng device > Mga koneksiyon ng device > I-delete ang mga device.
  2. Pumili ng device na ide-delete at pindutin ang I-delete.

Para i-delete lahat ng rehistradong device, pindutin ang Markahan Lahat > I-delete.

  1. Pindutin ang Oo.