Pagpapagana sa radyo
Maaari kang maghanap ng mga channel ng radyo gamit ang magkakaibang paraan. I-save ang paborito mong mga channel sa listahan ng preset.
Gawin ang kahit ano sa mga sumusunod na hakbang.
- Sa screen ng Lahat ng Menu, pindutin ang Radyo.
- Sa control panel, pindutin ang [RADIO] na button.
- Kung maraming mga media ang konektado, pindutin ang [RADIO] o [MEDIA] na button nang isang beses pa at pindutin ang nais na media source mula sa Radio/Media na pagpipilian (kung mayroon).
- Ang pinapakitang screen o menu ay maaaring magkaiba ayon sa modelo ng sasakyan at mga feature nito.
Screen ng radyo
Pinapakita ng screen ng radyo ang magkakaibang mga gawain habang nakikinig sa broadcast ng radyo.
|
1 Babalik sa dating hakbang.
2 Impormasyon ng broadcast ng radyo
3 Maaaring palitan ang radyo mode.
4Maaaring palitan ang frequency. Mabilisang ipindot para palitan sa dati o susunod na frequency nang tig-isang beses at pindutin nang matagal para mabilis na palitan ang frequency. Kung ire-release mo ang o na button, ang dati o susunod na istasyon na may magandang reception ay awtomatikong napipili (kung mayroon).
5 Napapakita ang impormasyon tungkol sa channel ng radyo na kasalukuyan mong pinapakinggan.
6Maaari mong i-delete o i-save ang kasalukuyang frequency sa listahan ng preset.
7 Maaari mong tingnan ang listahan ng mga gumaganang istasyon ng radyo (kung mayroon).
8 Maaaring i-on o i-off ang hatiin ang screen na mode.
9Listahan ng mga preset.
10Lalabas ang listahan ng mga item sa menu.
- Listahan ng Istasyon: Maaari mong tingnan ang listahan ng mga gumaganang istasyon ng radyo (kung mayroon).
- Manwal na i-tune ang FM (Puwede lang sa FM): Pumili ng nais na broadcast pagkatapos pakinggan ng maikli ang mga broadcast mula sa magkakaibang istasyon ng FM.
- I-scan: Ang function na ito ay para i-scan ang lahat ng istasyon at pinapatugtog lang mga istasyon na may maganda signal nang 5 segundo sa bawat isa.
- I-delete ang mga paborito: Maaaring i-delete ang rehistradong channel mula sa listahan ng mga paborito.
- TA: Ang TA na function ay hahayaan ang sistema na palitan sa Anunsiyo ng Trapiko (TA) mula sa kasalukuyang source. Ang mga programa sa trapiko at mga anunsyo ay maaaring awtomatikong matatanggap sa paggamit sa mga feature ng TA.
- Pangrehiyon: Pinapakita ang pangrehiyon.
- Setting ng Tunog: Pinapakita ang screen ng settings ng sistema ng tunog.
- Hatiin ang screen: Maaaring i-on o i-off ang hatiin ang screen na mode.
- Maaaring iba-iba ang screen ayon sa modelo ng sasakyan at ispesipikasyon.
- Ang button ng settings ng tunog ay maaaring lumabas sa screen ayon sa ispesipikasyon ng amp.
Pagpapalit sa radyo mode
Gawin ang kahit ano sa mga sumusunod na hakbang:
- Sa screen ng Radyo, pindutin ang Radyo Mode button nang paulit-ulit.
- Sa control panel, pindutin ang [RADIO] na button nang paulit-ulit.
Nagpapalit ang radyo mode sa ayos na FM > AM > FM.
|
- Maaaring iba-iba ang screen ayon sa modelo ng sasakyan at ispesipikasyon.
Pagpapalit sa channel ng radyo
Gawin ang kahit ano sa mga sumusunod na hakbang:
Maari mong pakinggan ang napalitang broadcast ng radyo.
- Sa screen ng Radyo, pindutin ang nais na channel nang paulit-ulit.
- Maaari mo ring palitan ang channel gamit ang Move na lever/button sa manibela.
- Sa control panel, pindutin ang A SEEK/TRACK D na button. Maaari kang lumipat sa dati o susunod na channel na may magandang reception (kung mayroon).
- Kung may knob ng Search sa control panel, maaari mo ring palitan ang frequency gamit ito.
Paggamit sa scan na function
Maaari kang makinig sa bawat broadcast nang mabilis at pumili ng nais pakinggan.
- Sa screen ng Radyo, pindutin an > I-scan.
- Kung nahanp mo na ang nais mong broadcast, pindutin ang screen ng radyo.
Maaari kang patuloy na makinig sa na-scan na istasyon.
Pag-save sa mga channel ng radyo
Maaari mong i-save ang tukoy na channel ng radyo at madali mo na itong mahahanap.
Habang nakikinig sa broadcast, pindutin ang sa screen.
Ang kasalukuyang channel ay naidaragdag sa listahan ng preset.
- Bilang alternatibo, sa screen ng Radyo, pindutin angs > Listahan ng channel at pindutin ang istasyon na nais mong i-save. Nai-save ang channel sa listahan ng preset.
- Maaari kang magrehistro ng hanggang 24 na mga channel.
|
- Maaaring iba-iba ang screen ayon sa modelo ng sasakyan at ispesipikasyon.
Pag-edit sa listahan ng channel ng radyo
Pagbura sa rehistradong channel
- Sa itaas na kaliwang bahagi ng screen ng Radyo, pindutin ang > I-delete ang mga Preset.
- Piliin ang channel na ide-delete at pindutin ang I-delete > Oo.
Na-delete na ang channel at wala nang laman ang preset.
- Kung ang kasalukuyang channel ay nakalagay na sa listahan ng preset, pindutin ang para tanggalin ito mula sa listahan.