Overview ng sistema

Basahin bago gamitin

Overview ng Manwal ng User

Mga puwedeng materyal para sa operasyon

Maiksing Gabay ng Sanggunian

Binibigay na nakapormat na tila maliit na libro. Nagbibigay ito ng maiksing impormasyon ng sistema, kabilang ang mga basic na mga kontrol at pangunahing function.

Manwal ng User sa Web

Ang view na may kinalaman sa impormasyon habang ginagamit ang sistema, pindutin ang Manwal ng User sa Web (QR Code) mula sa mga menu sa screen. Sa pag-scan sa QR code gamit ang iyong smartphone, maaari mong makita ang online na manwal ng user.

Mga Simbolo sa Manwal ng User

M-warning.png Babala

Ipinapahiwatig nito ang napakahalagang impormasyon na direktang may kinalaman sa kaligtasan ng gumagamit. Ang hindi tamang pagsunod sa tuntunin ay maaaring maging dahilan ng mga seryosong pinsala.

M-caution.png Mag-ingat

Ipinapahiwatig nito ang mahalagang impormasyon na direktang may kinalaman sa kaligtasan ng gumagamit. Ang hindi tamang pagsunod sa tuntunin ay maaaring maging dahilan ng minor na pinsala o sira ng sasakyan o pagtirik nito.

Kung mayroon

Ipinapahiwatig nito ang mga paglalarawan sa mga opsyonal na feature, na maaaring hindi puwede sa ibang sasakyan mo depende sa modelo o antas ng trim nito.

Tinatalakay sa gabay na ito ang mga ispesipikasyo para sa lahat ng modelo ng sasakyan, kabilang ang mga puwedeng ispesipikasyon. Maaaring kabilang ang mga paglalarawan sa mga feature na hindi kabilang sa iyong sasakyan o na hindi puwede sa modelo ng sasakyan mo.

HEV lang

Pinapakita lang ang mga function na maaaring gamitin sa mga hybrid na sasakyan.

PHEV lang

Pinapakita lang ang mga function na maaaring gamitin sa mga Plug-in hybrid na sasakyan.

EV lang

Pinapakita lang ang mga function na maaaring gamitin sa mga elektronikong sasakyan.

Babala para sa Kaligtasan

Siguruhing itago ang mga susunod na mga tuntunin. Kung hindi, maaaring maging dahilan ito ng sakuna o aksidente.

M-warning.png Nagmamaneho

Sundin lahat ng mga batas trapiko habang nagmamaneho.

  • Ang pagdepende lang sa sistema ng nabigasyon ay maaaring maging dahilan ng hindi pagsunod sa batas trapiko, na maaaring maging sanhi ng aksidente.

Para masuri ang tulin ng sasakyan, tingnan muna ang speedometer, hindi ang tulin sa sistema ng nabigasyon.

  • Ang tulin sa sistema ng nabigasyon ay maaaring iba sa tunay na tulin ng sasakyan.

Habang nagmamaneho, iwasang manuod sa screen.

  • Maaaring magkaroon ng aksidente sa pagpapabayang ituon ang pansin sa harap.
  • Para galawin ang screen o mga button na nangangailangan ng sabay na mga hakbang, siguruhing nakatigil ang sasakyan.

Para gamitin ang iyong phone, itigil muna ang sasakyan.

  • Kung gagamitin mo ang iyong phone habang nagmamaneho, maaaring mapunta rito ang iyong pansin, na maaaring maging sanhi ng aksidente.
  • Kung kinakailangan, huwag gamitin ang kamay (gamitin ang Bluetooth) kung may tawag habang nagmamaneho para mabawasan ang oras ng tawag.

Siguruhing sapat lang ang volume ng phone para marinig ang iba pang tunog sa labas.

  • Kung nagmamaneho ka nang walang tunog mula sa labas, maaari itong maging sanhi ng aksidente.
  • Kung matagal ka nang nagmamaneho nang may malakas na volume, maaaring maapektuhan nito ang pandinig mo.

Para sa emergency na serbisyo (hal., ospital, fire station), huwag umasa lang sa sistema ng nabigasyon.

  • Ang ilang serbisyo ay maaaring hindi kasama sa mapa ng nabigasyon. Tingnan ang mga nauukol na impormasyon nang mas maaga para manatiling nakahanda para sa emergency.

M-warning.png Pamamahala sa sistema

Huwag basta lang ibahin ang sistema.

  • Maaaring maging sanhi ito ng aksidente, sunog, o pagkakuryente.

Ugaliing maging maingat para masigurong walang anumang likido o ibang bagay ang makakapasok sa sistema.

  • Maaaring maging dahilan ito ng pag-usok, pag-apoy, o hindi paggana ng sistema.

Kung hindi nagpapakita ang screen, naka-mute ang volume, o nagkaroon ng pagpalya ng sistema, agad na itigil ang paggamit sa sistema.

  • Kung hindi, maaaring maging sanhi ito ng sunog, pagkakuryente, o labis na pagkasira ng sistema.

Pag-iingat sa Kaligtasan

Siguruhing itago ang mga susunod na mga tuntunin. Kung hindi, maaaring maging sanhi ito ng sakuna o pagkasira ng sistema.

M-caution.png Operasyon

Gamitin ang sistema sa pag-andar ng sasakyan.

  • Kung matagal nang ginamit ang sistema habang nakatigil ang sasakyan, maaaring ubusin nito ang baterya.

Huwag basta na lang mag-install ng hindi awtorisadong produkto sa iyong sasakyan.

  • Ang paggamit ng mga hindi aprubadong produkto ay maaaring maging sanhi ng hindi maayos na paggana kung ginagamit ang sistema.
  • Ang mga hindi maayos na paggana ng sistema dahil sa mga hindi aprubadong mga produkto ay hindi sakop ng warranty.

M-caution.png Pamamahala sa sistema

Huwag gumamit ng labis na lakas sa sistema.

  • Kung gagamitan mo ng labis na pressure ang screen, and LCD panel o touch panel nito ay maaaring masira.

Para linisan ang screen o ang button panel, patayin muna ang sasakyan at saka gumamit ng tuyo at malambot na tela para punasan ito.

  • Huwag punasan gamit ang magaspang at matigas na tela, kemikal na fiber, organikong solvent (hal., alcohol, benzene, thinner) o air freshener. Ang panel surface ay maaaring magasgasan o masira dahil sa kemikal na reaksiyon.

Kung mag-iinstal ka ng air freshener sa vent ng air conditioner, maaaring mag-iba ang hugis ng surface nito dahil sa pagtagas.